Pages

Ads 468x60px

Thursday, 14 August 2014

Hangkat sa Kaalam 2014

          Lahat ay inaanyayahan sa "Hangkat sa Kaalam 2014",  pambayan na kompetisyon sa Agosto 15, 2014. Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito na may temang, " Filipino: Wika ng Pagkakaisa". 


                  

Thursday, 10 July 2014

Pagkukwento ng Likhang Alamat


GAWAIN 8. Masubukan nga.

May pagdiriwang ng ikapitong kaarawan ang iyong pamangkin. Nahilingan ka nito na magkuwento sa kaniyang mga bisita. Lilikha ka ng sarili mong alamat at isasalaysay mo ito sa masining na paraan.
.
      Ang sa ibaba ay ilan sa mga naging performans ng mga estudyante sa Ika-9 na baitang.


Shiela Binas 9-1



Monday, 7 July 2014

Yolanda'y Tapos na, Salubungin ang Bagong Umagang Kayganda (Awtput)

GAWAIN:

Isa kang illustrator at layout artist. Kinausap  ka ng isang manunulat na gawan ng grapikong presentasyon (graphical presentation) na ilalagay sa unang pahina ng kaniyang kuwentong isinulat. Ito ang paraan niya upang mahikayat ang mga mambabasa na bilhin at basahin ang kaniyang kuwento. Ayon sa manunulat, ito ang gusto niyang makita sa ipinagagawa niyang grapikong presentasyon
.
       Ang makikita sa ibaba ay gawa ng isang estudyante sa Ika-siyam na taon batay sa kanyang interpretasyon ng gawaing ibinigay.


          'Yan ang pamagat ng kwentong kanyang ginawa.


          Nakatira si Gracia malapit sa dalampasigan, kasama niya ang kanyang ama at ina. Masaya silang namumuhay, ang trabaho ng kanyang ama ay isang mangingisda, at ang kanyang ina naman ay sa bahay lamang nila kasama niya. Subalit wala siyang kapatid at tanging ang aso niyang si Polgoso lamang ang kalaro niya palagi. Minsan sumasama si Gracia sa kanyang ama sa laot upang ito'y kanyang matulungan.

          Araw noon ng Nobyembre, hindi pumalaot ang kanyang ama dahil sa napabalitang malakas na bagyong paparating sa bansa na inaasahang tatama mga bandang alas-dos ng hapon. Inalarma sila na lumikas muna dulot ng inaasahang maaaring pinsalang dala ni Super Typhoon Yolanda sa kanilang lugar. Habang sila'y nagliligpit na nang kanilang mga gamit na dadalhin, biglang bumuhos ang malakas na ulan at umihip ang malakas na hangin. Napasilip si Gracia sa labas ng kanilang bahay upang tingnan ang pinsala nang sa di kalayuan ay may nakita siyang barkong lumulubog na sa tubig-dagat. Dali-dali niyang tinawag ang kanyang ama na alisto namang lumubas ng bahay at itinulak ang bangka nito upang saklolohan ang tao sa barko.


       Sa kagustuhang makatulong, lumabas ng walang paalam sa ina si Gracia at walang pagdadalawang-isip na tinulungan ang ama sa pagtulak. Ayaw siya nitong pahintulutang sumama noong una, ngunit matigas ang kanyang pasya na makatulong. Dali-dali silang pumalaot, isinagwan nila ng napakabilis ang kanilang bangka. Napakalakas ng mga hampas ng alon sa bangka nila, subalit ipinagpatuloy pa rin nila ang pagsagwan hanggang makaabot sa barkong lumulubog. Sa kabutihang palad, nailigtas nila ng buhay ang manlalayag.

            Makalipas ang 2 araw, bumalik ang manlalayag sa kanilang bahay dala ang konting tulong bilang pasasalamat sa kanilang pagligtas sa kanya. Ngunit magalang na tinanggihan ito ng kanyang mga magulang. Magpaganun pa man, tinulungan pa rin sila ng manlalayag na ipagawa ang kanilang bahay at binigyan din si Gracia ng maraming larua na siya naman ikinatuwa ng huli.

Saturday, 5 July 2014

Pagpapakilala sa Sarili sa isang Masining na Paraan

           Sa unang araw ng klase ang mga mag-aaral ay nagpakilala ng kanilang sarili sa isang masining na paaran. Maari silang kumanta, sumayaw, tumula, mag rap o kung anuman ang kanilang naisin.


Ang video sa ibaba ay gawa ng Grade 9-1.





Wednesday, 2 July 2014

Paggawa ng Patalastas


Pipili ang mga mag-aaral ng paborito nilang patalastas at gagayahin ang isa sa mga ito upang ipalabas sa klase.


Palmolive
                                                 Bear Brand
                                                          Colgate
Joy Dishwashing Liquid

Pagbuo ng isang Kanta

Ang video sa ibaba ay gawa ng 3-2 (2013-2014). Ito ay pagbuo ng isang awitin hinggil sa wikang Filipino.



 
 
Blogger Templates